PDP laban nais na muling buksan ng COMELEC ang paghahain ng COC
Nais ng partido ni Pangulong Duterte na PDP laban sa muling buksan ng Commission on elections ang paghahain ng certificate of candidacy.
Sa kanilang inihaing petisyon sa COMELEC hiniling rin ng PDP laban Cusi wing na ipagpaliban ang pag-iimprenta ng mga balota.
Giit ng Grupo dapat bigyan ng sapat na panahon ang COMELEC na makapaglagay kung sino ang isasabak sa eleksyon sa Mayo.
Walang pambato sa pagkapangulo ang PDP laban matapos umurong si Senador Christopher Bong Go.
Para sa isa pang paksyon ng PDP laban isa raw itong hakbang para idelay ang halalan at isulong ang no election scenario.
Iginiit ni PDP laban Vice chairman Lutgardo Barbo na dapat ibasura ng COMELEC ang petisyon.
Wala aniyang karapatan ang grupo ni Cusi na maghain ng petisyon dahil ang mga signatory ay hindi kumakakatawan sa tunay na partido.
Naniniwala rin si Senador Ping Lacson na target ng naghain ng petisyon na idelay ang halalan para mapalawig ang termino ni Pangulong Duterte.
Ayon sa Senador , hindi ito dapat payagan ng Senado.
Kung magkaroon man aniya ng aberya, bago mag-adjourn ang 18th Congress, maghahalal sila ng bagong Senate president na ang termino ay hanggang June 30,2025 na uupong pansamantalang Pangulo hanggang makapaghalal ng bagong Pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.
Meanne Corvera