Inflation ng mga produkto at serbisyo nitong Disyembre bahagyang bumagal
Bahagyang bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Disyembre 2021.
Sa datos ng PSA umabot sa 3.6 percent ang inflation mas mababa kumpara sa 4.2 percent na naitala noong November 2021.
Sinabi ni National statistician USEC Dennis Mapa na ang inflation noong Disyembre ang naitalang pinakamababa sa taong 2021.
Bumagal raw kasi ang pagtaas ng presyo ng ilang agricultural products tulad ng repolyo , bigas , at galunggong.
Bahagya ring bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo , pamasahe sa jeep at tricycle..
Ang BARMM ang nakapagtala ng pinakamababang inflation na umabot sa 2.1 kasama na ang National Capital Region na umabot sa 2.8 percent kumpara sa 3.2 percent noong December 2020.
Ang Region 9 o Zamboanga peninsula ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation na umabot sa 6.1 percent.
Meanne Corvera