Suspensyon ng pasok sa Court of Appeals, extended hanggang Enero 7
Pinalawig din ang work suspension sa Court of Appeals sa Maynila hanggang Enero 7.
Sa kautusan na pirmado ni Presiding Justice Remedios Salazar- Fernando, sinabi na marami sa mga empleyado ng CA ang nagpositibo sa COVID-19 batay sa Medical and Dental Division.
Nagpapatuloy din aniya pa ang contact tracing at COVID testing sa mga court personnel kaya kailangang suspendihin ang pasok sa CA.
Mananatili namang bukas ang One Stop Processing Center sa appellate court.
Ipatutupad ang modified work arrangement simula Enero 10, 2022.
Moira Encina
Please follow and like us: