NTC nalagpasan ng 72.4% ang kanilang target collection noong 2021
Nahigitan pa ng National Telecomunications Commission (NTC) ang kanilang target collection para sa 2021 ng 72.4%.
Nabatid na hanggang nitong December 31, 2021, umabot sa P9.09 billion ang naitalang actual collection ng NTC na mas mataas kaysa kanilang target na P5.27 billion lamang.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ito na ang ika-6 na taon na nahigitan ng NTC ang kanilang target collection.
Labis naman ang pasasalamat ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba dahil sa kabila ng nagpapatuloy pang pandemya ay mas tumaas pa ang kanilang naging koleksyon.
Ang naging achievements aniya ng NTC at Department of Information and Communications Technology (DICT) ay pagpapakita ng kanilang buong suporta sa mga programa ng national government.
Madelyn Moratillo