Cavite, may pinakamataas na kaso ng Covid-19 sa CALABARZON
Nanguna ang Cavite sa mga lalawigan sa Region 4A o Calabarzon sa may pinakamataas na kaso ng Covid-19.
Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, may 4,273 active cases ngayon ng COVID-19 sa lalawigan.
Ang pagsirit na ito ng kaso ay matapos aniyang makapagtala kahapon sa Cavite ng 1,188 bagong kaso ng virus infection.
Kahit naman mataas ang mga kaso ng virus sa lalawigan, 41.5% pa lang naman ng kanilang ICU beds ang okupado.
Sa 4,273 cases na ito, 96.4% aniya ang mild at asymptomatic at wala pang naiulat na nasawi sa Cavite dahil sa Covid-19.
Muli namang iginiit ni Remulla na hindi siya pabor sa pagpapatupad ng lockdown dahil sa negatibong epekto nito sa kabuhayan.
Sa iba pang lalawigan sa Calabarzon, sumunod sa may mataas na kaso ang Laguna na may 1,723 active cases, habang ang Batangas ay may 611 active cases, 526 naman ang Rizal, 346 ang Quezon Province, at 65 naman ang Lucena.
Madz Moratillo