Bar examinees hinimok na mag-self- quarantine simula ngayong Lunes, Enero 10
Pinayuhan ng Korte Suprema ang mga bar examiness na sumailalim sa self-quarantine mula ngayong araw, Enero 10 hanggang sa araw ng pagsusulit.
Sa bar bulletin na inisyu ni Bar Chairperson at Associate Justice Marvic Leonen, sinabi na lahat ng magpopositibo sa antigen o RT- PCR test ay otomatikong hindi makakapasok sa local testing sites asymptomatic o symptomatic man.
Para sa mga fully vaccinated examinees, kailangan nitong sumailalim sa antigen testing sa loob ng 48 oras bago ang unang araw ng bar exams.
Obligado naman ang mga unvaccinated examinees na magprisinta ng negatibong nasal o saliva RT- PCR test na kinuha 72 oras bago ang eksaminasyon.
Ang mga examinees na nagrekober mula sa COVID-19 ay dapat pa rin na magprisinta ng negatibong antigen o RT- PCR test bago ang unang bar exams.
Sinabi pa ni Leonen na siya at ang mga staff sa bar exams ay naka- self- quarantine din.
Samantala, hinihikayat ng Supreme Court ang mga bar examinees na hindi pa bakunado laban sa COVID na magpabakuna na bago ang pagsusulit bilang karagdagang proteksyon kontra sa Omicron variant.
Itinakda ang pinaikling bar exams sa Enero 23 at 25.
Moira Encina