DOH nagpaalala sa publiko na wala pang bakunahan kontra COVID-19 para sa 5 hanggang 11 yrs old
Nagpaalala ang Department of Health sa publiko na mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos palang ang kasama sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Ginawa ng DOH ang pahayag kasunod ng kalituhang maaaring idulot sa publiko matapos kumalat ang isang post sa social media na may isang LGU ang nag-anunsyo umano ng bakunahan para sa 5-11 yrs old.
Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at nilinaw nito na hindi galing sa kanila ang abiso.
Ang kumalat umano sa social media gamit ang Muncovac ay peke.
Naglabas rin sila ng abiso sa kanilang social media page na ang binabakunahan palang sa lungsod ay pediatric population mula 12 hanggang 17 anyos.
Sa ngayon ang kanilang ginagawa palang umano ay ang pre-registration para maihanda ang kanilang database.
Una rito, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje na sa unang linggo ng Pebrero nila target masimulan ang pagbabakuna sa mga nasa edad 5 to 11 yrs old.
Ang bakuna ng Pfizer ang nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration.
Madz Moratillo