Senado , inaprubahan ang pagpapalaya sa pharmally official na si Twinkle Dargani na nagpositibo sa COVID-19
Pinalaya na ng Senado si Twinkle Dargani, presidente ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Senate sgt at arms Rene Samonte, iniutos ni Senate President Vicente Sotto at ng Chairman ng Blue Ribbon Committee ang pagpapalabas kay Dargani dahil sa humanitarian reason.
Si Twinkle ay nagpositibo sa virus nitong January 6 pero ayon kay Samonte , mild lang ang nararanasan nitong mga sintomas.
Gayunman , pumayag ang Senado sa pakiusap ng kaniyang ina na mailabas ito ng Senado dahil nag-aalala na ito sa umano’y lumalalang mental health condition ng anak.
Si Twinkle kasama ang kapatid na si Modit at isa pang opisyal ng Pharmally na si Linconn Ong ay ipinakulong sa Senado noong Nobyembre dahil sa pagtangging magbigay ng mga dokumento hinggil sa pinasok na kontrata ng gobyerno.
Ang Pharmally ang nakakuha ng pinakamalaking kontrata.
Sa COVID supplies ng gobyerno tulad ng facemasks at faceshield.
Ayon kay Sotto , hindi na imomonitor si Twinkle dahil nangako naman raw ang ina ni Twinkle na ihaharap ito oras na ipatawag sa imbestigasyon.
Sa ibinigay nilang impormasyon sa Senado si Twinkle ay mananatili sa kanilang bahay sa BGC para doon tapusin ang quarantine.
Meanne Corvera