Survivorship benefits law para sa pamilya ng deceased retired NPS prosecutors, nilagdaan na ni PRRD
Ikinalugod ng pamunuan ng National Prosecution Service (NPS) ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa RA 11643 o NPS Survivorship Act.
Sa ilalim ng batas, mabibigyan ng survivorship benefits ang mga surviving legitimate spouses at dependent children ng mga retired NPS prosecutors sa oras na ito ay pumanaw.
Dahil dito, matatanggap ng qualified heirs ang lahat ng retirement benefits ng mga piskal na namatay.
Mapakikinabangan din ang mga benepisyo ng batas ng mga qualified heirs ng mga piskal na eligible na magretire optionally nang ito ay pumanaw.
Pinapayagan ng batas ang retroactive na aplikasyon nito para sa mga piskal na namatay isang taon bago nagkabisa ang NPS Survivorship law.
Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, milestone ang pagpasa sa batas sa buong NPS at magpapataas sa morale ng mga piskal na binubuwis ang buhay para maigawad ang katarungan.
Moira Encina