Dalawang bagong COVID-19 treatments, inaprubahan ng WHO
Inaprubahan ng World Health Organization (WHO), ang dalawang bagong COVID-19 treatments ngayong Biyernes.
Sa kanilang rekomendasyon sa British medical Journal (BMJ), sinabi ng WHO experts na ang arthritis drug na Baricitinib na ginamit kasama ng corticosteroids sa paggamot sa severe o critical COVID patients ay nagbunga ng mas mainam na survival rates at nabawasan ang pangangailangan para sa ventilators.
Inirekomenda rin ng mga eksperto ang synthetic antibody treatment na Sotrovimab para sa mga non-serious COVID patient at may highest risk ng hospitalization gaya ng mga matatanda, mga immunodeficient o may chronic diseases gaya ng diabetes.
Bukod sa nabanggit, tatlong iba pang treatments lamang para sa COVID-19 ang binigyan ng approval ng WHO, nagsimula ito sa corticosteroids para sa severely ill patients noong September 2020.
Ang corticosteroids ay hindi mahal at available kahit saan at nilalabanan nito ang inflammation na karaniwang makikita sa severe cases.
Ang arthritis drugs naman na Tocilizumab at Sarilumab, na inendorso ng WHO noong July, ay IL-6 inhibitors na nagsu-suppress sa mapanganib na overreaction ng immune system sa SARS-CoV-2 virus.
Ang Baricitimib naman ay ibang klase ng gamot na kilala bilang Janus kinase inhibitors, pero ito ay nasa ilalim ng kaparehong guidelines ng IL-6 inhibitors.
Ayon sa guidelines . . . “When both are available, choose one based on issues including cost and clinician experience.”
Ang synthetic antibody treatment na Regeneron ay inaprubahan ng WHO noong September at nakasaad sa guidelines na ang Sotrovimab ay puwedeng magamit para sa parehong uri ng pasyente.
Ang Covid treatment recommendations ng WHO ay regular na ina-update base sa bagong datos mula sa clinical trials.