Pagbasura ng COMELEC 2nd division sa disqualification case laban kay Dating Senador Bongbong Marcos para sa May 9 presidential election iginagalang ng Malakanyang

Nirirespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Commission on Elections o COMELEC Second Division na nagbabasura sa disqualification petition laban kay dating Senador Bongbong Marcos sa halalang pampanguluhan sa May 9, 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na isang independent constitutional body ang COMELEC at anuman ang desisyon ay dapat na igalang alinsunod sa isinasaad ng batas.

Ayon kay Nograles lahat ng usapin na may kinalaman sa eleksyon ay nasa hurisdiksyon ng poll body o COMELEC.

Batay sa desisyon na inilabas ng COMELEC Second Division ibinasura ang disqualification petition na isinampa laban kay Marcos ng grupo na pinangungunahan ni Catholic priest Christian Buenafe dahil sa umano’y pagsisinungaling sa kanyang Certificate of Candidacy o COC kaugnay ng kanyang conviction sa kasong may kinalaman sa moral turpitude kaakibat ng hindi pagpa-file ng income tax return.

Vic Somintac

Please follow and like us: