Comelec gagamit ng 3 size ng balota para sa May elections
May 3 size ng balota ang gagamitin ng Commission on Elections para sa May 9 elections.
Ayon kay Comelec Education and Information Department Director Elaiza David, ang pinakamahaba ay ang balota na gagamitin sa Bangsamoro Autonomous in Region Mindanao na nasa 30 inches.
Sunod ay sa non BARMM na nasa 26 inches habang ang para sa Overseas voting ay 25 inches ang haba.
Ayon kay David, sa harap ng balota ay makikita ang national at local positions para sa BARMM at non-BARMM voters habang ang para sa party list naman ay matatagpuan sa likod ng balota.
Sa overseas ballot naman, pangalan lang ng mga kandidato para sa national positions ang ilalagay habang sa likod din ang para sa party list.
Sa tentative list ng Comelec, may 10 pangalan ang kabilang sa mga kandidato sa pagka pangulo, 9 sa bose presidente, 64 sa senador at 178 party list groups.
Ngayong araw magsasagawa ng walkthrough ang Comelec sa National Printing Office sa Quezon City kung saan ililimbag ang mga balota.
Madz Moratillo