Pang-4 na bakuna, bahagya lamang ang bisa laban sa Omicron

Photo: AFP

Inihayag ng mga author ng isang Israeli trial, na ang 4th dose ng Pfizer at Moderna Vaccines laban sa Covid-19, ay bahagya lamang ang bisa sa Omicron variant ng virus.

Sinimulan ng isang grupo mula sa Sheba Medical Center malapit sa Tel Aviv ang pagsasagawa ng trial noong Disyembre, sa 4th doses ng coronavirus vaccines, kung saan binakunahan ang 154 na hospital personnel ng Pfizer at 120 iba pang volunteers ng Moderna.

Ayon sa naturang ospital . . . “The preliminary results of the trial have shown that the vaccines are safe and have shown to produce substantial antibodies, but are only partially effective in defending against the Omicron variant.”

Pahayag naman ni Professor Gili Regev-Yochay na nanguna sa pag-aaral . . . “While there was an increase in antibodies after administering a 4th dose, it nonetheless only offers a partial defenser against the virus for those infected with Omicron variant.”

Pero tinukoy nya ang mga bakuna ay “extremelly effective” laban sa mga naunang variants.

Ang Israel ay kabilang sa naunang mga bansa na naglunsad ng mass immunization campaigns para sa kanilang populasyon.

Pagkatapos ay sinimulan nilang mag-offer ng booster shots noong nakaraang summer, at nagbigay na rin ng go-signal para sa 4th shots para sa mga matatanda at vulnerable populations.

Higit 537,000 Israelis ang nakatanggap na ng 4th dose ng bakuna ayon sa latest figures ng health ministry.

Higit 80% naman ng adult residents ng Israel ang nakatanggap na ng dalawang coronavirus vaccine at higit sa kalahati ang nabigyan na rin ng booster shot.

Please follow and like us: