BFAR , kinastigo sa fishery hatchery project
Kinastigo ni Senador Cynthia Villar ang Bureau of fisheries and aquatic resources dahil walang natapos sa proyekto na pagpapagawa ng fish hatchery.
Sa pagdinig ng Senate committee on Agriculture sinabi ni Villar na dapat 2016 pa nasimulan ang pagpapagawa ng 37 fish hatchery batay sa mga itinatakda ng mga naipasang batas na napaglaanan naman ng budget ng Kongreso.
Kwestyon ng Senador sa Budget hearing noong nakaraang taon nangako si BFAR Director Eduardo Gongona na dapat natapos noong 2021 ang hatchery at may 25 ngayong taon.
Sobra sobra aniya ang taunang budget ng BFAR para sa mga proyektong ito.
Giit ng Senador , malaki ang maitutulong ng fish hatchery para sa pagpaparami ng isda at hindi na kinakailangang umangkat tulad ng plano ng Department of Agriculture.
Meanne Corvera