Monetary Board inaprubahan ang US$3B public sector foreign borrowings sa Q42021
Umaabot sa US$3 billion na public sector foreign borrowings ang inaprubahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa ikaapat na quarter ng 2021.
Ayon sa BSP, ito ay mas mababa ng 28.4% sa US$4.2 billion na inaprubahan sa parehong panahon noong 2020.
Ang loans ay binubuo ng dalawang project loans na nagkakahalaga ng kalahating bilyong dolyar, at anim na program loans na US$2.5 billion.
Sinabi ng BSP na ang mga nasabing borrowings ang magpopondo sa COVID-19 pandemic response at economic recovery measures na US$2.7 billion, at disaster risk reduction na US$0.3 billion.
Alinsunod sa Saligang Batas at mga panuntunan, kinakailangan muna ng approval ng BSP para sa lahat ng foreign loans at foreign borrowings proposals ng nasyonal na pamahalaan bago simulan ang aktuwal na negosasyon.
Moira Encina