Ekonomiya ng Pilipinas lumago sa 7.7 percent sa huling quarter ng 2021
Lumago ang ekonomiya o Gross Domestic Product ng Pilipinas sa huling quarter ng 2021.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority, naitala ang GDP sa 7.7 percent mas mataas sa negative 8.3 percent sa huling quarter noong 2020.
Sa buong 2021, umabot sa 5.6 percent ang kabuuang GDP o paglago ng ekonomiya.
Sinabi ni National Statistician USEC Dennis Mapa ng PSA na naging pangunahing contributors sa paglago ng GDP ang agrikultura,forestry at fishing na nakapag-ambag ng 1.4 hanggang 7.9 percent.
Malaki rin ang naging ambag ng wholesale at retail trade, motor vehicle at motorcycle repair, manufacturing at constructions.
Ayon ay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, malaki ang naitulong ng kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna para makalabas ang mas maraming residente at magbukas ang mas maraming negosyo.
Katunayan nito ang datos na bumaba rin ang bilang ng mga walang trabaho sa survey ng PSA.
Kung magpapatuloy ang pagluluwag ng quarantine lalo na sa Metro manila makakabawi pa ang ekonomiya sa matinding lugi dulot ng pandemya.
Meanne Corvera