Marawi siege compensation act aprub na sa 2nd reading ng Senado
Pinagtibay na ng Senado sa second reading ang panukalang batas na layong bigyan ng kompensasyon ng gobyerno ang mga biktima ng Marawi Siege.
Sa Senate bill no. 2420 o Marawi Siege compensation act na isinusulong ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri,bibigyan ng kompensasyon ang mga nawalan ng bahay at negosyo.
Pero hindi sila maaring patawan ng buwis.
Ang mga nasawi sa bakbakan , ibibigay sa kanilang tagapagmana o kapamilya ang bayad batay sa Civil code of the Philippines.
Lilikha naman ng quasi judicial body na Marawi compensation board na kabibilangan ng mga abogado, accountant,civil engineer na tatanggap at magpoproseso ng application para sa compensation.
BUbuo rin ng isang joint congressional oversight committee para sa implementasyon ng batas.
Sinabi ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate finance committee , popondohan ito sa ilalim ng pambansang budget.
Meanne Corvera