Pagpasok ng mga pinoy balikbayan at mga dayuhan sa bansa niluwagan na ng IATF
Sinuspendi ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagpapatupad ng color coding bilang bahagi ng border control sa pandemya ng COVID-19 kaugnay ng pagpasok sa bansa ng mga pinoy balikbayan pati narin sa mga dayuhan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na epektibo sa February 1 aalisin na ang Red, Yellow at Green country classification.
Ayon kay Nograles lahat ng mga pinoy balikbayan na galing sa ibat-ibang bansa ay hindi na obligadong sumailalim sa facility base quarantine pagdating sa Pilipinas basta magpakita lamang ng negatibong resulta ng RT PCR test na ginawa 48 oras mula sa point of origin.
Kailangan din aniya ang fully vaccination certificate at mag-self monitor na lamang sa kanilang bahay sa loob ng 7 araw .
Samantalang ang mga dayuhan ay kailangang fully vaccinated mayroong negative result ng RT PCR test na ginawa 48 oras mula sa point of origin.
Inihayag ni Nograles sa mga pinoy balikbayan naman na partially vaccinated at unvaccinated kailangang magpakita ng negative RT PCR test result na ginawa 48 oras mula sa point of origin at sasailalim sa facility base quarantine pagkatapos ng 5 araw ay isasailalim sa RT PCR test at kung negative ang resulta ay papagayan ng makauwi subalit kailangang tapusin ang home quarantine hanggang 14 na araw.
Vic Somintac