Vaccination sites sa Quezon City, dinagdagan pa

Photo: pna.gov.ph

Dinagdagan pa ng Quezon City government ang kanilang vaccination sites ng 140, upang mas marami pang mga residente at manggagawa ang maprotektahan laban sa mild at severe symptoms ng Covid-19.

Ang mga eskuwelahan, health centers, malls, community venues, churches, at special venues gaya ng Quezon Memorial Circle ay ginawa nang inoculation hubs.

Nagsasagawa rin ang city government ng vaccination activities sa mga subdibisyon at pribadong mga kompanya, government agencies at care homes.

May limitadong walk-in slots sa mall sites, kung saan ang mga magpapabakuna ay kailangang kumuha ng stub at bumalik sa ibinigay na oras.

Maaari ring ma-accomodate ang walk-ins sakaling sumobra ang supply sa bilang ng registered vaccines.

Ongoing din ang home vaccination para sa mga bedridden at differently-abled, drive-through sa mall parking lots, at kamakailan ay inilunsad na rin ang pharmacy-based services sa pakikipagtulungan ng Department of Health.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte . . . “We are expanding and intensifying our vaccination program to accomodate the city’s eligible population, estimated at 2.8 million residents, including 5 to 11 year olds. The figure does not include the thousands of non-resident workers who also get their shots in the city.”

Sinabi ni Dr. Maria Lourdes Eleria, QC Vax to Normal Action officer, na naging matagumpay ang vaccination program sa tulong ng front-liners, medical workers, local government employees, village officials, at volunteers.

Para sa libreng bakuna, magrehistro sa QC VaxEasy Portal o magtungo sa village offices para sa vaccination schedules.

Regular ding ina-update ang schedules at vaccination sites sa official website quezoncity.gov.ph at Facebook page Quezon City Government.

Please follow and like us: