DOH naglabas ng guidelines sa antigen test kits
Inirekomenda ng Department of Health (DOH), na ang self-administered antigen kits ay dapat lamang gamitin para sa mga taong symptomatic sa loob ng pitong araw mula nang unang lumabas ang sintomas.
Sa DOH Memorandum No. 2022-0033 na naglalaman ng guidelines para sa paggamit ng antigen test kits, sinabi ng health department na ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) pa rin ang namamalaging “preferred diagnostic method ” para sa Covid-19.
Ayon sa DOH, ang self-administered antigen testing ay inirerekomenda kung ang kapasidad para sa “timely RT-PCR results” ay limitado o hindi available.
Batay sa memorandum na may petsang Jan 26, 2022 . . . “The appropriate use of self-administered antigen test kits and recommended time of testing shall be based on the COVID-19 exposure and symptoms of the individuals. Self-administered antigen test kits shall not be recommended for asymptomatic close contacts and screening of asymptomatic individuals.”
Para sa iba pang mga kaso, ang self-adminiatered antigen testing ay dapat na maging “optional,” kabilang na ang para sa community level actions kung saan ang case management ng probable at confirmed cases ay namamalaging pareho.
Ayon sa DOH . . . “A positive antigen test among symptomatic individuals, and suspect or probable COVID-19 cases and their close contacts shall be interpreted and managed as a confirmed COVID-19 case.”
Gayunman, binigyang-diin ng DOH na lahat ng COVID-19 positive results gamit ang antigen test kits ay dapat na i-report sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), o sa health care provider.
Ipinaalala ng ahensya na ang pagre-report ng mga resulta ng self-administered antigen test ay “mandatory” sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.