Mga estudyanteng magpapabakuna sa mga araw na may pasok, excused muna sa klase
Puwedeng huwag munang dumalo sa klase ang mga mag-aaral na magpapabakuna, kaugnay ng COVID-19 vaccination drive.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ito ay ang mga estudyanteng edad 5 hanggang 11, na magpapabakuna.
Sinabi ni DepEd Bureau of Learner Support Services School Health Division Chief, Dr. Maria Corazon C. Dumlao, na ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatibo ng ahensiya para suportahan ang pediatric vaccination ng pamahalaan para sa younger group na magsisimula ngayong araw, Pebrero 7.
Aniya . . . “Learners vaccinated during school days shall be excused from attending classes as part of the miscellaneous provisions.”
Nilinaw din ni Dumlao na hindi ikukonsiderang lumiban sa trabaho ang mga magulang o guardian ng DepEd learners na isang empleyado, na sasamahan ang kanilang anak sa pediatric vaccination sa panahon o oras ng kanilang trabaho.