Taguig National Immunization program, ginawa nilang child friendly
Aakalain mo na pupunta sa birthday party ang mga batang ito at hindi sa vaccination center pagpasok kasi ng mall sa Taguig, tila nasa isang circus ang mga bata.
Ang mga special guest ang avengers na sina Ironman, spiderman at Captain America.
Ang lugar, nilagyan ng makukulay na design, mga lobo at mayroon ring clown at mga gumagawa ng baloons.
Habang sumasailalim sa evaluation ang mga bata, binibigyan na sila ng coloring materials at mga laruan.
Ayon kay Dr Jennifer lou de Guzman ng Taguig National Immunization program, ginawa nilang child friendly ang vaccination program para mawala ang takot ng mga bata sa bakuna.
Sa datos ng Taguig, aabot sa 106,000 ang populasyon na may edad na lima hanggang labing isang taong gulang.
Pero 22, 800 na sa mga ito ang nagparehistro online.
Bawal ang walk in at lahat ng magpapabakuna obligadong magpa register online.
Target nilang makapagturok ng limandaang bakuna kada araw.
Sa ngayon nagsasagawa na sila ng matinding information campaign para ipaalam sa publiko na ligtas ang bakuna laban sa COVID-19.
Meanne Corvera