DITO maaari raw mawalan ng prangkisa dahil sa kanselasyon ng Php8-B SRO
Naniniwala ang ilang industry sources na posibleng mawalan ng prangkisa ang DITO Telecommunity Corp.
Ito ay kung mabibigo ang telco na matugunan ang rollout committment nito sa gobyerno sa 2024.
Una nang kinansela Php 8 billion stock rights offering (SRO) ng DITO CME Holdings Corp na majority stockholder ng DITO Telecommunity kaya humingi na ito ng tulong sa foreign lenders.
Ang kanselasyon ng SRO ay sinasabing bunsod ng mahina o kawalan ng signal, mabagal o kawalan ng internet connection, hindi gumaganang app, incompatibility ng SIM cards sa ibang phones, promotions na hindi magamit at mahinang customer service.
Ayon sa industry sources, ang pagkansela sa SRO ng DITO ay nagdulot ng agam-agam kung kaya nitong ibigay sa publiko ang uri ng serbisyong hindi naipagkaloob ng Globe Telecom at PLDT Inc.
Nagbunga rin ng duda na may kaugnayan ito sa Tsina dahil sa pagkakakuha ng DITO CME ng long-term debt arrangements sa foreign lenders.
Ang DITO ay may 5 milyong subscribers at target ito na maabot ang 12 milyon ngayong taon sa pagtatayo ng mga karagdagang cell sites sa mga bagong lokasyon.
Madelyn Moratillo