Mga Senatoriable ng tambalang Lacson at Sotto na mag-eendorso ng ibang presidentiable, posibleng hindi na i-endorso
Nagbanta ang tambalan nina Senador Ping Lacson at Vicente Sotto III , na tatanggalin sa kanilang line up at hindi na i-eendorso sa kanilang mga political rally ang mga senatoriable na kasama sa kanilang line up pero nag-endorso ng ibang Presidential at Vice presidential candidate.
Kasama sa Senatorial slate nina Lacson at Sotto sina Senator Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri at Senador Richard Gordon.
Pero sa proclamation kahapon, nagpadala lang ng kinatawan sina Gatchalian at Zubiri dahil kapwa sila sumama sa kick off campaign ng tambalan nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at katandem na si Mayor Sara Duterte.
Habang si Gordon sumama sa Camarines sur kay Vice President Leni Robredo.
Kkapwa sinabi nina Lacson at Sotto na wala silang nakikitang masama dito maliban na lang kung lantaran silang mag-eendorso ng kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo.
Anila , vinavalidate na rin nila ang report at kakausapin si Gordon sa impormasyong lantaran nitong inindorso ang kandidatura ni Robredo.
Bukod sa tatlong Senador, kasama sa line up ng reporma sina Congreswoman Loren Legarda, Governor Francis Escudero, JV Ejercito, Monsour del Rosario, Dr Menguita Padilla, Dating PNP Chief Guillermo Eleazar , Dating Agriculture Secretary Manny Piñol at dating Vice President Jejomar Binay.
Ang tambalan nina Lacson at Sotto ay nag courtesy call kanina kay Quezon city Mayor Joy Belmonte.
Mahalaga raw na makuha nila ang suporta ng mga taga Quezon city na tinatayang may 1.2 miillion population na kasinglaki na ng isang probinsya.
Nagsagawa rin sila ng isang programa sa loob ng Quezon city Memorial Circle.
Meanne Corvera