Alert level 1 sa NCR , dedesisyunan ng IATF sa weekend ayon sa Malakanyang
Magsasagawa ng pinal na assessment at ebalwasyon ang Inter Agency Task Force o IATF sa Sabado February 12 kung maaari ng ibaba sa alert level 1 ang National Capital Region o NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kukunsultahin ng IATF ang mga stake holders partikular ang Metro Manila Council kung handa na ang NCR sa pagpapatupad ng alert level 1.
Ayon kay Nograles kung papasa sa criteria ng IATF sa alert level adjustment ang NCR maaari ng ibaba sa alert level 1 pagsapit ng February 16.
Inihayag ni Nograles mayroong tatlong criteria na sinusunod ang IATF para mailagay sa alert level 1 ang isang lugar ito ay kinabibilangan ng mababa na sa 1 percent ang 2 weeks positivity rate at average daily attack rate ng COVID-19 at mababa na sa 30 percent ang health care utilization.
Vic Somintac