US nag-donate ng karagdagang 3.4M doses ng Pfizer COVID vaccines sa bansa
Dumating na sa bansa ang donasyong 3.4 milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ng US.
Ayon sa US Embassy, ang karagdagang bakuna ay bahagi ng 1.2 bilyong doses ng COVID vaccines na worldwide donation nito sa pamamagitan ng COVAX facility.
Umaabot naman sa mahigit 69 million doses ng bakuna kontra COVID ang nai-deliver ng US sa Pilipinas.
Mula sa nasabing bilang, 28.5 milyong doses ang donasyon ng Amerika.
Bukod sa vaccine donations, nagkaloob din ang US government ng lagpas sa P1.9 bilyong na COVID assistance sa bansa.
Moira Encina
Please follow and like us: