Panukalang paglikha ng Virology institute and center for disease control, ipinahahabol
Umapila si Senador Christopher Bong Go sa mga kapwa mambabatas na madaliin ang panukalang batas ukol sa paglikha ng dalawang ahensya na makatutulong umano para makapaghanda ang bansa sa mga public health emergency gaya ng nararanasan na COVID-19 pandemic.
Isa sa tinutukoy ni Go, na Chairman ng Senate Committee of health ang panukala sa paglikha ng Virology Institute of the Philippines.
Ito ang mag-aaral sa viral diseases, magde-develop ng mga bakuna at magre-regulate ng mga virology laboratory.
Sa ngayon, nakapending ang panukala sa Senate Committee on Science and Technology.
Bukod pa rito ang paglikha ng Center for Disease Control na magsisilbing lead agency ng gobyerno sa pagharap sa pandemya at sa iba pang public health emergency.
Tutularan nito ang Center for Disease Control ng Estados Unidos at iba pang bansa na na nagpapatupad ng regulasyon para mapigil ang pagkalat ng nakakahawang sakit at na sya ring bumibili at namamahagi ng bakuna, antibiotics at mga medical supplies.
Nasa plenaryo naman ang panukalang ito na sasalang pa sa mga debate.
Ayon kay Go, panahon nang mag -invest ng Pilipinas sa health sciences at medical research tulad sa ibang bansa.
Bukod kay Go, sampung Senador ang naghain ng panukalang batas ukol dito na isa sa mga hiniling at priority ng Duterte administration.
Meanne Corvera