Fixed broadband speed sa PH noong Enero, bumagal matapos ang pananalasa ng Odette
Nagkaroon ng bahagyang pagbagal sa fixed broadband at mobile median download speeds sa Pilipinas noong Enero kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon sa Ookla Speedtest Global Index, mula sa
50.26Mbps noong Disyembre ay bumaba ang
fixed median broadband speed sa bansa sa 49.52Mbps.
Ang average fixed broadband speed ay umabot sa 81.08Mbps.
Pero maganda pa rin naman ang median download speed sa bansa na nasa 526.04% mula nang magsimula ang Duterte Administration.
Nakitaan rin ng bahagyang pagbagal ang mobile median speed sa bansa sa download speed na 17.95Mbps mula sa 19.20Mbps.
Ang average mobile download speed sa bansa ay naitala sa 41.01Mbps.
Sa January report ng Globe at Smart telecom ay patuloy parin ang kanilang full restoration efforts sa kanilang mga pasilidad sa Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte, Negros Occidental at Oriental, Dinagat Islands, at Surigao del Norte na labis na sinalanta ni Odette.
Ayon naman sa Fiber internet provider na Converge ICT Solutions, naapektuhan rin ang kanilang network operations sa Iloilo, Capiz, Cebu, Cagayan de Oro at Davao.
Habang ang Dito Telecommunity ay naapektuhan din ang kanilang serbisyo sa Visayas at Mindanao.
Madelyn Moratillo