Apat na Cessna planes, natanggap na ng PH Navy mula sa US
Nai-turnover na ng US ang apat na Cessna 172 Skylark planes sa Philippine Navy.
Ito ay bahagi ng Php298.1 million ($5.8 million) grant sa ilalim ng Foreign Military Financing (FMF) program.
Ayon sa US Embassy, gagamitin ang Cessna planes sa pagsasanay ng mga bagong naval aviators at mapanatili ang kakayanan ng mga kasalukuyang piloto at technical expertise ng aviation mechanics.
Dinala ang Cessna planes sa Philippine Naval Air Wing based in Sangley Point, Cavite.
Kasama sa package ang shipment ng spare parts at logistics support package.
Gayundin, ang delivery ng tatlong U.S.-sourced Robinson R44 helicopters sa huling bahagi ng 2022.
Una rito ay nagsagawa ang US ng pilot at mechanic training sa 24 Philippine service members sa Kansas City, Kansas noong Agosto at Setyembre 2021.
Moira Encina