Law schools maaari nang magsagawa ng limitadong face-to- face classes
Pinahintulutan na ng Legal Education Board (LEB) ang limitadong face-to-face classes sa mga law schools sa buong bansa.
Alinsunod sa LEB memorandum circular, hindi na kailangan na maghain ng aplikasyon ng mga paaralan.
Dapat lang na abisuhan ng mga law schools ang LEB kung magdadaos na ito ng limited face-to-face classes.
Nilinaw ng LEB na hindi obligado ang mga law schools na mag-shift sa limited face to face classes.
Maaari pa rin na magpatuloy ang mga ito sa flexible learning setup.
Pinasisiguro naman ng LEB sa mga law schools na masusunod pa rin ang minimum health protocols.
Moira Encina
Please follow and like us: