SC nakikiramay sa pagpanaw ni retired Justice Minita V. Chico-Nazario
Nagdadalamhati ang Korte Suprema sa pagpanaw ni retired Associate Justice Minita V. Chico-Nazario.
Pumanaw si Nazario noong Miyerkules, Pebrero 16 sa edad na 82 taong gulang.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, maaalala si Nazario bilang sa isa sa mga gumiba ng mga barriers o harang sa kasaysayan ng hudikatura ng bansa.
Si Nazario na tubong San Miguel, Bulacan ang unang Presiding Justice ng Sandiganbayan na naitalaga bilang mahistrado ng Supreme Court.
Siya rin ang kauna-unahang babaeng mahistrado at kalaunan ay first female Presiding Justice ng anti-graft court.
Nagsilbi si Nazario sa gobyerno sa loob ng 47 taon kung saan limang taon dito ay bilang mahistrado ng SC mula 2004 hanggang 2009.
Nagtapos siya ng abogasya noong 1962 sa UP Law.
Moira Encina