Vaxcertph, maaaring gamitin sa 39 na mga bansa
Inihayag ng Department of Information and Communications Technology o DICT, na kinikilala ng 39 na mga bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas.
Paliwanag ni DICT acting secretary Emmanuel Rey Caintic, nag-isyu ang pamahalaan ng isang bagong bersiyon ng Vaccination certificate o Vaxcertph, dahil dinagdagan ang security features nito at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots.
September 2021 unang inilunsad ang vaxcertph, at kamakailan nga ay naglabas na ng bagong bersiyon nito ang DICT at ang Department of Health.
Tiniyak din ni Caintic na mabilis lang makakukuha ng vaxcertph na magagamit sa paglalakbay.
Kabilang sa mga bansang kumikilala sa Vaxcertph ay ang Canada, Amerika, Australia at iba pang malalaking bansa na kabilang sa World Health Organization.