Pacquiao, kabilang sa Top 10 boxers of all time
Isinama ng The Ring Magazine ang Filipino boxing legend at ngayon ay presidential candidate na si Manny Pacquiao, sa Top 10 sa kanilang talaan ng 100 best boxers in history.
Bilang bahagi ng kanilang centennial anniversary, ang The Ring magazine na ikinukonsidera bilang “Bible of Boxing,” ay nagpalabas ng isang 10-part list ng pagbilang mula 100 pababa sa 1.
Ang Top 10 boxers ay inilabas nitong Martes, February 15, kung saan si Pacquiao na may record na 62-8-2, 39 Kos, ay nasa number 9.
Ang 43-anyos na si Pacman ay unang napasama sa rankings ng The Ring noong 1999, kung saan siya ang nangunguna sa flyweight division.
Sa kaniyang final time sa rankings ng magazine, si Pacquiao ay nasa No. 5 sa welterweight class.
Si Pacquiao ay umani na ng maraming Ring championships, kabilang na ang featherweight, junior lightweight at junior welterweight belts.
Binasag din niya ang top 10s ng The Ring sa apat na magkakaibang dekada mula 1990s hanggang 2020s.
Nasa No, 6 naman ang matagal nang katunggali ni Pacman na si Floyd Mayweather, Jr.
Nasa third rank ang boxing great na si Muhammad Ali, habang nasa No. 1 spot si Sugar Ray Robinson.