Pagpapahintulot ng Sugar Regulatory Administration na mag-angkat ng asukal, pinaiimbestigahan na rin sa Senado
Pinaiimbestigahan na rin sa Senado pagpapahintulot ng Sugar Regulatory Administration na mag- angkat ng asukal na aabot sa 200 metriko tonelada para ma stabilize ang presyo sa merkado.
Ito’y kahit napigilan ang importasyon sa pamamagitan ng inilabas na temporary restraining order ng isang korte sa Negros occidental.
Naghain si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng Senate resolution 995 para ipatawag ang mga opisyal ng Department of Agriculture kailangang malaman.
Ayon sa Senador ang patakaran ng DA na mag-angkat sa ibang bansa tuwing kinakapos ang lokal na suplay.
Tinukoy ang inaangkat na karneng manok at baboy, bawang, mais, bigas at isda.
Giit ng Senador, pinapatay ng D-A ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka tuwing umaangkat ng imported na Agricultural products.
Kwestyonable rin aniya ito dahil itinatapat sa harvest season ang pag- aangkat na malinaw na may sapat na suplay.
Nauna nang sinabi ng DA na kapos umano ang suplay dahil tinamaan ng Bagyong Odette ang mga sugar farmers dahilan kaya nagmahal ang presyo sa merkado.
Pero naghain ng petisyon para sa TRO ang United Sugar Federation at Rural Sugar Planters Association Incorporated.
Pinabulaanan nila alegasyon ng DA at tiniyak na sapat ang suplay ng asukal.
Meanne Corvera