European Parliament resolution sa rights issues, tinawag ng DFA na pagtatangkang impluwensiyahan ang eleksiyon
Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang European Parliament, sa pagpapatibay ng isa pang resolusyon sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa Pilipinas, na tinawag nitong isang pagtatangka na makialam sa proseso ng halalan sa bansa.
Ayon sa isang statement ng DFA nitong Linggo . . . “The allegations raised in the text are ‘unfair, largely baseless’ as it dismissed the resolution as another intrusion in the country’s internal affairs. We condemn the misguided attempt of the European Parliament to interfere in the Philippine electoral process through its resolution raising already discredited allegations of human rights violations in the thin hope of heavily influencing the outcome in favor of its choice.”
Noong nakaraang linggo, naglabas ng resolusyon ang European Parliament na nananawagan sa Pilipinas na agad na wakasan ang karahasan laban sa mga pinaghihinalaang nagkasala sa droga, at itigil ang labeling sa mga aktibista at mamamahayag bilang mga tagasuporta ng mga rebeldeng komunista. Nagbabala rin ito sa pansamantalang pag-withdraw ng mga benepisyo sa kalakalan kung ang mga panawagan ay mananatiling hindi pinapansin.
Pinagtibay ng parliyamento ang nilalaman ng resolusyon na may 627 botong pabor, 26 tutol at 31 ang nag-abstein.
Giit ng DFA, ang panawagan ng European lawmakers ay udyok ng mga tagasuporta ng “libelous journalists at bitter critics” ng kasalukuyang administrasyon dahil sa miserable nilang pagkatalo sa nagdaang eleksiyon.
Nakasaad pa sa statement ng DFA . . . “The resolution is based on a deliberately falsified impression of the actual human rights situation in the country. The resolution is presumptuous given the historical record of its main proponents.”
Dagdag pa nito . . . “The United Nations Joint Program for Human Rights have already addressed such allegations, including extrajudicial killings of activists and trade unionists and deaths from the government’s bloody ‘war on drugs’.”
Nilagdaan noong Hulyo, ang magkasanib na programa ay para sa capacity-building assistance at technical cooperation sa mga awtoridad sa Pilipinas sa ilang lugar, kabilang ang pagpapalakas sa domestic investigation at accountability mechanisms, pangangalap ng data sa mga diumano’y mga paglabag ng pulisya at pagpapatupad ng mga pamamaraang nakabatay sa karapatang pantao sa pagkontrol sa droga.
Sinabi noon ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na ang programa ay “nagpapakita ng taos-pusong pagsisikap ng Pamahalaan ng Pilipinas na payagan ang pagpapatupad ng batas at investigative operations na may human rights dimension sa isang non-political setting.”
Ang pagsusuri ng Department of Justice sa mga kaso ng “drug war” ay humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa ilang mga pulis.
Tinawag din ng DFA ang pansin ni European Parliament Vice President Heidi Hautala na nagsabing sinuman ang manalo sa halalan sa Mayo “ay magkakaroon ng malaking trabaho na baligtarin ang grabeng sitwasyon sa karapatang pantao na nagkaroon ng kakila-kilabot na pagkasira sa ilalim ni Pangulong Duterte.”
Ayon sa DFA . . . “For the Parliament to pass a resolution of this manner is a clear attempt to influence the outcome of our coming elections in May instead of accepting the sovereign will of the Filipino people as manifested in the previous elections.’
Ang European Parliament ay nagpalabas din ng kaparehong mga teksto noong 2016, 2017, 2018 at 2020.
Gayunman, sinabi ng DFA na inaabangan nito ang Generalised Scheme of Preferences monitoring mission ng European Union mula Feb. 28 hanggang March 4, kung saan binabanggit na ang mga pananaw ng European lawmakers ay hindi sumasalamin sa EU sa kabuuan o sa mga indibidwal na estadong miyembro nito.