Bagong LTO licensing center sa PITX, binuksan na
May licensing center na rin ang LTO sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Pinangunahan nina Transportation Secretary Art Tugade, LTO Chief Edgar Galvante at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang pagiinspeksyon at pagpapasinaya sa bagong licensing center.
Ilan sa mga serbisyo sa PITX licensing center ay ang mga sumusunod:
a. Assistance to Land Transportation Management System (LTMS) Portal
Registration
b. Issuance of Student Permits
c. New Driver’s License
d. Renewal of Driver’s Licenses
e. Miscellaneous Services
- Additional Restriction Code/DL Codes
- Change Classification from Non-Professional DL to Professional DL
with Same Restriction Code - Change Classification from Non-Professional DL to Professional DL
or Professional DL to Non-Professional DL
Layunin ng pagtatayo ng bagong LTO Licensing Center sa PITX na makapagkaloob ng mas mabilis at mas mapalapit ang serbisyo sa mga mananakay sa terminal, OFWs, at mga residente sa NCR at CALABARZON.
Sinabi ni Mayor Olivarez na malaking tulong ito hindi lang sa mga taga-Parañaque kundi sa mga kalapit lalawigan.
Inihayag naman ni Secretary Tugade na ang licensing center ay bahagi ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagaan at gawing komportable ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Ginarantiyahan ng LTO na sa loob lamang ng 30 minuto ay maiisyu na ang mga lisensya ng mga aplikante.
Inanunsiyo rin ng DOTR na sa mga susunod na buwan ay mabibigyan ng prayoridad ang mga OFWs sa licensing center.
Ilan sa mga serbisyo na ito ay ang priority lane sa OFWs, Driver’s License Certification at Driver’s License Certification-DFA Apostille.
Moira Encina