Pilipinas mananatiling neutral sa Russia- Ukraine crisis – DFA
Hindi makikisawsaw ang Pilipinas sa nangyayaring giyera ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagamat kasama ang Pilipinas sa maaring tamaan at maapektuhan ng bakbakan, mananatiling neutral ang bansa.
Wala rin aniya ang pangamba na madamay sa nangyayaring giyera ang Pilipinas.
Pero naghahanda pa rin ang sandatahang lakas sakaling mag escalate ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kabila ng krisis, tuloy naman aniya ang pagbili ng Pilipinas ng mga military equipment sa Russia bilang bahagi ng modernisasyon ng sandatahang lakas
Katunayan sinabi ng kalihim na nakapag down na ang Pilipinas sa Russia para sa labing anim na chopper at cargo plane na kayang magsakay ng mas maraming personnel.
Kailangan aniya ito ng bansa lalo na sa panahon ng mga disaster.
Meanne Corvera