Computerized format ng mga susunod na bar exams, itutuloy– Gesmundo
Mananatiling digitalized ang format ng mga susunod na bar examinations.
Ito ang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa paglulunsad ng Legal Education Advancement Program (LEAP) ng Legal Education Board (LEB).
Sinabi ni Gesmundo na para magpatuloy ang momentum sa digital shift sa bar exams ay lahat ng mga susunod na pagsusulit ay isasagawa sa computerized format.
Ito ay alinsunod na rin sa strategic plan ng hudikatura na maging digital ang adjudicative at administrative systems nito.
Kaugnay nito, nanawagan si Gesmundo sa LEB,
Philippine Association of Law Schools, at mga law deans na mag-adopt ng mga polisiya at technological advancements sa pagtuturo.
Ito ay para maihanda ang mga estudyante sa digitized bar exams at maging sa law practice sa digital world.
Noong nakaraang Pebrero 4 at 6 isinagawa ang kauna-unahang computerized at localized bar exams.
Si Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang magsisilbing chairperson ng 2022 Bar Examinations.
Moira Encina