Halos isang milyong pisong halaga ng ecstasy at cannabis oil, nasabat ng BOC at PDEA
Halos isang milyong pisong halaga ng ecstasy tablets at cannabis oil ang nasabat, sa magkasanib na operasyon ng Bureau of Custom Port of NAIA (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Sa nasabing operasyon ay apat na kargamentong hindi naka-deklara ang nasabat, kung saan ang una ay galing sa Germany at naglalaman ng 394 piraso ng ecstasy tablets.
Ang ikalawang kargamento na mula sa US, na nadiskubreng naglalaman ng 425 gramo ng hinihinalang cannabis at cannabis oil, habang ang iba pang kargamento ng cannabis oil ay nasabat naman mula sa dalawang warehouse.
Lahat ng kargamento ay itinurn-over na sa PDEA.
Patuloy naman ang kampanya ng BOC at PDEA laban sa pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.