May alam ka ba sa Love Languages?

May alam ka ba sa love languages?

What is love? Ang corny ba ng tanong ko, o gasgas na ba ang dating sa inyo?

O iniisip ninyo ang tamang sagot, depende kung paano n’yo ito nararamdaman at naipahahayag…

Pero wait, ,narinig ninyo na ba ang “Love Languages” ? …
Ang popular na konsepto kung saan ipinakilala ang ibat ibang paraan ng pagmamahal…


Sa panayam natin kay Dr, Joan Mae Perez-Rifareal, Psychiatrist. May tinatawag tayong Love Languages, ito ang mga sumusunod:

1. Word of Affirmation, ibig sabihin, gusto natin  na nakaririnig ng  mga salita or phrases mula sa ating loved ones.

Dahil nakaka-uplift ng mood o spirit.

Kahit may halong “bola”  minsan, ang ating naririnig, ito ay nakapagpapakilig pa rin. Korek , di ba ?

2. Quality Time-  ito naman ay may kaugnayan sa kung paano natin ginugugol ang oras sa ating partner.

Kapag magkasama , siyempre , mas gusto natin na  hindi divided ang attention.

Mahalaga na may eye contact kapag magkasama kayo,

kasi, hindi magandang gawin ‘yung ginagawa ng iba  na panay tingin sa cellphone, nakaka distract tuloy..

At ‘yung feeling na parang hindi ka importante . Kaya,  be mindful kapag kasama ang iyong partner.

3. Physical Touch.  Ang hug and kisses sa ating loved ones ay nakaka boost ng feelings.

Inihalimbawa ni Dr. Joan,  dati kapag nagkikita-kita, may yakap at kiss pa plus the chikahan.

Ito ang  namiss natin ngayong panahon ng pandemya dahil sa quarantine.

4. Acts of service, action speaks louder than words, another form of expressing love.

Tulad ng pagtulong sa gawaing bahay, run errands, na nakapaghahatid ng kasiyahan sa damdamin.

5. Receiving Gifts. Hindi ba’t isa sa amga paraan para maipakita na appreciated  natin ang isang tao.

Nagbibigay tayo ng gifts or even a simple card will do.

Dagdag pa ni  Dr. Rifareal, iba-iba tayo ng love languages.

Tandaan na lang maiwasan ang miscommunication, mga assumptions na puwede maglead sa conflicts.

Take note, hindi ito magic, kailangang hanapin ang common ground, huwag madaliin, mahalaga ang tuloy-tuloy na pag-uusap to avoid conflicts.

Mahalaga na  alam din natin kung ano ang love languages ng ating mga mahal sa buhay.

Para maunawan ang pangangailangan, ma-appreciate, makapag-adjust, mag-adapt para sa kanila.

At panghuli, commitment, dahil ito ay isang proseso, kailangan ng commitment ng bawat isa…

Please follow and like us: