SC at mga appellate collegiate courts sa NCR, balik na sa full operation simula bukas, March 1
Balik na sa 100% ang operasyon ng Korte Suprema at mga appellate collegiate courts sa NCR simula sa Martes, Marso 1 matapos na ilagay sa Alert Level 1 ang rehiyon.
Ang mga raffle at pagdinig ng mga kaso sa SC, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, at Sandiganbayan ay on-site na isasagawa.
Ang videoconferencing hearings ay para lamang sa mga exceptional cases.
Inalis na rin ang work from home arrangement sa CA, CTA, at Sandiganbayan.
Gayunman, sa mga tanggapan ng Supreme Court na may limitadong office spaces ay mananatiling 80% ang on site na trabaho at ang work from home arrangement.
Mahigpit na ipatutupad pa rin ang mga health at safety protocols sa mga nasabing hukuman.
Sa CA, kinakailangan na sumailalim sa antigen testing isang beses kada buwan ang mga kawani at opisyal.
Obligado rin magprisinta ng vaccination card ang mga bisita at maaaring hingan ng negatibong RT-PCR test.
Moira Encina