Germany tatayahin ang potensiyal ng hydrogen bilang energy source ng Pilipinas

Photo: pna.gov.ph

Sinabi ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry (GPCCI), na sinasaliksik nila ang potensiyal ng Philippine market para sa green hyfrogen bilang isang energy source sa hinaharap.

Ayon sa GPCCI sa isang statement . . . “The German-Philippine Chamber of Commerce and Industry, on behalf of the German Federal Ministry for Environment, Nature Conservation, Nuclear Safety and Consumer Protection (BMUV), is currently assessing the market potential of green hydrogen and fuel cell applications in urban and remote areas in the Philippines.”

Sinabi ni GPCCI executive director Christopher Zimmer, na ang kaalaman sa teknolohiya ng Germany sa green hydrogen ay makatutulong sa bansa sa pagpapataas ng share sa renewable energy, at maging sa pagbawas sa greenhouse gas emission.

Ayon kay Zimmer . . . “We are convinced that German technology providers can contribute greatly to the country’s energy transition.”

Dagdag pa nito, ang mga amyenda sa Foreign Investments Act at Public Service Act ang magbibigay-daan sa mga oportunidad sa pagitan ng German at Philippine businesses upang maging mag-partner sa “exploring at investing” sa naturang sektor.

Sinabi ni German hydrogen technology firm H2 Core Systems GmBH vice president of energy systems Mark Shiels, na dapat samantalahin ng Pilipinas ang pamumuhunan sa hydrogen technology dahil may malaking papel itong gagampanan sa climate protection.

Ayon kay Shiels . . . “In the Philippines, a geographically dispersed country, the use of green hydrogen and fuel cell technology can be an environmentally friendly alternative to diesel generators, whose use is widespread as backup power in urban areas and as power source in remote off-grid areas.”

Ang green hydrogen ay bahagi ng target ng Germany na zero greenhouse gas emission pagdating ng 2050, sa pamamagitan ng pamumuhunan sa research and technology development, maging sa hydrogen trade cooperation at partnership sa iba pang mga bansa.

Samantala, itinatayugod ng Department of Energy (DOE), ang hydrogen bilang isang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya na mahalaga ang maitutulong upang mabawasan ang carbom emission sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nakipag-partner ito sa mga kompanya mula sa Australia at Japan para ‘i-explore” ang potensiyal ng hydrogen bilang mapagkukunan ng enerhiya ng bansa sa hinaharap.

Please follow and like us: