Suki, puwede bang maka discount ?
Hello, mga kapitbahay! Kayo po ba ‘yung tipo ng mamimili na sa tuwing may bibilhin ay tumatawad?
Teka, marunong ka bang tumawad, kapitbahay? Pasensya na, aaminin ko na ako ay hindi marunong tumawad..
Ewan ko ba, para akong nahihiya na hindi ko maintindihan.
Kasi, kapag tumawad ako tapos hindi napagbigyan para ba akong nahihiya, ha ha ha !
O sige tungkol sa pagtawad at pagkakaron ng suki ang kwentuhan natin today.
Nakausap natin si Chef Danilo Mallo ng Casa de Pestano Restaurant sa San Leonardo, Nueva Ecija
At naitanong ko kung siya ba ay tumatawad kapag may binibili siyang produkto?
Sabi niya sa atin, kapag maganda ang variety ng itinitinda, tumatawad siya ayon sa dapat.
Kasi naman, hindi naman daw ganun kalaki ang kinikita o tinutubo ng mga tindero,
At kung hahati pa sa dapat tubuin o kitain, kawawa naman ang nagtitinda.
Kung magbibigay ng discount, mabuti, kung hindi huwag tayong magdamdam ( tinamaan ako dun ah ) .
Dito aniya papasok kung may suki sa palengke.
Suki sa gulay, karne , isda at kung ano-ano pa.
Sabi ni Chef Dan, mahalaga na may suki kapag namimili tayo.
Matitiyak mong may kalidad ang ibibigay sa’yo.
Kapag wala ka kasing suki, puwede pang masingitan.
Ibig sabihin, puwede na ang ibigay sa’yo ay hindi na talaga sariwa.
At kapag mataas ang presyo, puwede pa nilang taasan.
Kapag may suki, sasabihin nila ang tunay na presyo lalo na at mataas talaga ang presyo mula sa pinagkukunan nila.
Samantala, kapag may suki, puwede kang maka discount ng sampu hanggang kinse pesos.
Malaking bagay ito. Paano ba magkaron ng suki? Binigyang-diin ni Chef Dan na kailangan ang loyalty.
Loyal ka dapat sa binibilhan mo, sa suki mo.
Halimbawa, bibili ka ng repolyo, kay suki ay 30 pesos samantalang sa isang nagtitinda ay 25 pesos lang.
Iiwan mo ba si suki? Hindi dapat ganun?
Kung sakaling medyo mataas ang presyo ni suki , sabihin mo bakit mataas yata ang presyo mo?
Sasabihin naman niya sa iyo ang dahilan. Tingnan mo rin ang kalidad ng bibilhin mo, bakit mura?
Eto pa, paano nga ba ang paraan ng pagtawad? Sabi kasi ng iba, kalahati dapat ang gawing pagtawad .
Sabi ni Chef Dan, dapat masaya o happy kapag namimili ka? Ibig sabihin, makatutulong kung may happy mood ka.
Puwede din na mag joke na hindi naman nakaka offend sa nagtitinda.
Minsan kapag natuwa ang binibilhan mo, mas madaling makatawad.
Bilang panghuli, sabi ni Chef Dan, sa pagtawad o paghingi ng discount
Dapat alam mo ang prevailing price at siyempre marunong dumiskarte .