Mga trabaho at negosyo sa Alert level 1 ,inirekomenda nang ibalik sa normal set up
Ngayong nasa Alert level 1 na ang Metro manila, inirerekomenda ng gobyerno na ibalik sa normal set up ang mga trabaho at negosyo para palakasin ang paggastos at umangat ang ekonomiya.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, makakatulong ngayon ang physical presence o paglabas ng tao at mga mangagawa para mabuhay ang mga negosyo.
Kung lalabas kasi aniya ang mga tao mas dadami rin ang economic activities.
Pero paglilinaw ni Lopez hindi nila inoobliga ang mga kumpanya na magpatupad ng 100 percent working capacity at mananatili pa rin ang work from home option.
Sa ilalim ng Alert level 1 pinapayagan nang mag operate ng 100 percent ang mga negosyo
wala na ring ipatutupad na age restritctions, walang physical distancing at optional na ang ditigal contact tracing.
Ayon kay Economic adviser Secretary Karl Chua, sa pagtatanggal ng restrictions, inaasahang kikita ang pamahalaan ng 9.4 billion kada linggo.
Mababawasan rin ang unemployment dahil inaasahang babalik na sa trabaho ang mas maraming mga magagawa.
Pinakamalaking inaasahang kita ay mula sa Tourism industry.
Meanne Corvera