Malakanyang handang magpatupad ng price control sa mga pangunahinng bilihin kung lalala pa ang krisis sa Ukraine
Nagpahayag ng kahandaan ang pamahalaan na magpapatupad ng price control sa mga pangunahing bilihin na epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan na epekto ng krisis sa Ukraine.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo alexi Nograles ang pagpapatupad ng price control ay isa sa mitigating measure na inihahanda ng pamahalaan kapag tataas pa ang presyo ng krudo sa world market.
Ayon kay Nograles mayroong kapangyarihan ang gobyerno na magpatupad ng price control sa mga pangunahing bilihin sa panahon ng emergency sa ilalim ng Republic Act 7581 o Price Act of 1992.
Inihayag ni Nograles nakatutok na ang Department of Trade and Industry o DTI sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Niliwanag ng malakanyang na binabalanse ng pamahalaan ang kapakanan ng mga consumer at negosyante sa gitna ng krisis na dulot ng kaguluhan sa Ukraine at epekto ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac