Ukraine-Russia conflict, walang direktang epekto sa suplay ng petrolyo – DOE

Tiniyak ng Department of Energy na hindi apektado ang suplay ng langis ng Pilipinas sa nangyayaring gIyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na may imbak Diesel ang mga oil companies na tatagal ng apatnaput dalawang araw at gasolina para sa 49 days.

Lagpas pa ito 30 days na requirements ng gobyerno.

Bukod dito, parating na rin ang inorder ng oil products.

Hindi raw magkakaroon ng kakulangan ng suplay dahil hindi direktang bumibili ang Pilipinas sa Ukraine.

Pero nagsusuplay ang russia sa china south korea at japan kung saan bumibili ang Pilipinas ng refined Petroleum products.

Sinabi ng DOE, maganda naman raw ang bilateral relations ng China at Russia kaya walang problema sa suplay.

Sa China nanggagaling ang 66 percent ng Diesel na kailangang suplay ng Pilipinas.

Sa ngayon hindi masabi ng DOE kung magkano pa ang maaring itaas ng presyo ng gasolina at Diesel dahil depende pa ito sa sitwasyon sa Europa.

Pero nagbigay na ng Commitment ang Organization of Petroleum Exporting Countries o OPEC na itataas sa one million kada bariles ang ipo-produce na langis kada araw para maabot ang demand sa buong mundo.

Mas malaki na raw ang tyansa ngayon dahil unti unti nang nareresolba ang conflict sa Iran.

Meanne Corvera

Please follow and like us: