Mahalaga ba ang pagkakapon sa alagang hayop?


Isa sa dapat taglaying katangian ng isang pet owner o isang responsableng pet owner ay isipin ang iba ‘t – ibang paraan  para maalagaan ang alagang hayop  gaya  ng pagkakapon . 

Ang tawag sa english ay spaying and neutering.

Ito ang pag-uusapan natin ngayon, at ating aalamin bakit mahalaga ito para sa mga pet?
Para lalong maunawaan natin ang ukol dito ay tinanong natin si Dr. Jomar Castro, isang beterinaryo.

Ganito ang sagot niya kung  ano ba ang spaying at neutering?

Ang spaying ay ang pagtanggal ng reproductive organ sa alagang hayop na babae.

Samantalang ang pagtanggal ng testicles sa alagang lalaki ay tinatawag na castration, ang common term nito ay  “neutering” o pagkakapon.

Eh, bakit ba mahalaga ang pagkakapon? Ang  paliwanag ni Vet Jomar, ito ay  upang mapigilan ang pagdami o paglaki ng populasyon ng hayop.

Kapag hindi kinapon, nagiging sanhi ito ng pagdami ng stray animals.

For example, sabi ni Vet Jomar, ang pusang babae sa loob ng isang taon ay maaaring magbuntis ng animna beses at magsilang ng halos 50 kuting.

Habang ang babaeng aso ay dalawang beses manganak at magsilang  ng 20 tuta sa loob ng isang taon.

Biruin n’yo lang ang pagdami ng mga hayop kapag hindi kinapon ?

Ang pagkakapon ay may magandang epekto sa kalusugan, dahil ayon sa pag-aaral mas humahaba ang life span ng mga hayop, nababawasan din ang pagiging agresibo.

Less risk sa sakit na cancer at nasa 85% ng nakakapon ay hindi na gumagala ang alagang hayop.

Maganda ito dahil nakaiiwas sa aksidente.

Pero kailan ba dapat isagawa ang pagkakapon sa hayop? Karaniwan hinihintay na magmature ang reproductive organ.

Maaari na itong gawin kapag nasa edad 5 buwan, o sa panahon bago pa dumating ang “heat” period ng alaga.

Bago gawin ang surgical procedure may preparation na  isinasagawa gaya ng blood test at physial examinations.

Ang surgery ay tumatagal ng 15-30 minutes at ang recovery period kapag magaling na ang sugat ay nasa isa hanggang dalawang Linggo.

Siyanga pala, dagdag pa ni Vet Jomar, huwag daw masyadong mag-aalala sa gastos dahil low cost at may nagsasagawa ng libreng pagkakapon.

At mababa rin ang panganib.  

Paalala niya mas makabubuti na ipakapon ang alagang  aso o pusa  kung hindi naman bini-breed dahil maganda sa kalusugan at nakatutulong din sa komunidad.

Ngayon ay alam na natin ang importance ng pagkakapon sa hayop.

Please follow and like us: