Commitment ng Pilipinas na tanggapin ang Ukrainians na tumatakas sa giyera, pinuri
Pinuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ang kahandaan ng gobyerno ng Pilipinas na tanggapin ang mga Ukrainian na tumatakas mula sa giyera.
Nakasaad sa isang statement . . . “UNHRC commends the Philippine Government, through Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, for its swift expression of willingness to accept people forced to flee from Ukraine due to ongoing emergency.”
Ayon kay UNHRC Philippines Head of National Office Maria Ermina Valdeavilla-Gallardo . . . “The Philippines has proven again that it is a leader in the region when it comes to ensuring the inclusion of refugees, asylum seekers, stateless persons and those at risk of statelessness in Government programs and services, especially during these challenging times.”
Sinabi ni Guevarra nitong Huwebes, na ang mga Ukrainian na tumatakas sa pananalakay ng Russia ay welcome sa Pilipinas.
Bagama’t hanggang sa ngayon ay wala pang naghahain ng request for asylum, tiniyak sa publiko ng kalihim ng DOJ na ang mga aplikante ay isasailalim sa ebalwasyon alinsunod sa batas ng Pilipinas at sa kamakailan ay nilagdaang executive order.
Ito ay makaraang lagdaan ni pangulong Rodrigo Duterte noong February 28 ang Executive Order na lumikha rin sa Inter-Agency Committee on the Protection of Refugees, Stateless Persons and Asylum Seekers, kung saan ang justice secretary ang umuupong chairperson.
Ang komite ay inaatasang tiyakin na ang mga polisiya sa proteksiyon ng mga kinauukulan ay ganap na maipatutupad at sila ay mabibigyan ng access sa mga korte, dokumentasyon at iba pang tulong.
Ang panel ay inatasan ding makipag-ugnayan sa UN High Commissioner for Refugees o sa iba pang may kaugnayang international body sa epektibong implementasyon ng Conventions, at pagkakaloob ng proteksiyon sa mga refugee.
Sinabi ng UNHRC na ang kautusan ay “muling pinagtitibay ang mahaba nang tradisyon ng Pilipinas sa humanitarian assistance para sa mga refugee at mga taong walang estado, at nag-aambag upang matupad ang mga obligasyon ng bansa.”
Ayon sa UN body, kabilang dito ay ang pagiging signatory sa 1951 Refugee Convention, sa 1967 Protocol nito at kapwa sa 1954 at 1961 Statelessness Conventions. Nangako rin ang Pilipinas sa panahon ng Global Refugee Forum at sa High-Level Segment on Statelessness.
Isa rin ang Pilipinas sa signatories sa UN General Assembly resolution na nananawagan sa Russia na i-withdraw na ang kanilang tropa mula sa Ukraine.
Ayon pa sa UNHRC . . . “While no Ukrainian has yet to seek asylum in the Philippines, the country has served as a safe haven for nine waves of refugees in the past, including the Vietnamese boat people who fled the Vietnam War, and Jews escaping the Holocaust during World War III.”
Dagdag pa nito, ang Pilipinas ay dati ring nagpahayag ng pagpayag na magbigay ng kanlungan sa mga lumikas, kabilang ang mga Rohingya at Afghan na tumatakas sa krisis noong Agosto 2021.