Daan-daang Ukrainian refugees dumating sa Israel
Daan-daang Ukrainians na tumatakas sa pananalakay ng Russia, ang dumating na sa Israel nitong Linggo, sa unang organized flights lulan ang mga refugee.
Kabuuang 400 katao ang dumating sa Israel sa tatlong flights – isa ay mula sa Ukraine, isa ay mula sa Poland at ang isa ay galing sa Romania – simula nang umpisahan ng Israel ang pagtanggap ng refugees sa unang pagkakataon kasunod ng Feb. 24 invasion.
Kabilang sa mga dumating galing Romania nitong Linggo, ang 100 mga bata na napawalay sa kanilang mga magulag o inabandona at naninirahan sa isang foster care home.
Inanunsiyo ng Immigration and Absorption Ministry ng Israel, na ang mga bagong immigrant mula sa Ukraine ay bibigyan ng isang special status na magpapahintulot sa kanila upang makatanggap ng isang one-time payment ng humigit-kumulang $1,800 per immigrant, $3,359 para sa isang couple at $4,580 para sa isang pamilya.
Bukod pa ito sa mga benepisyong ibinibigay ng ministry sa sinumang immigrant para sa unang anim na buwan nila sa Israel, na nasa kabuuang $5,800 para sa indibidwal at $10,955 para sa isang pamilya.
Ang Ukrainian refugees naman na walang sinumang immediate relatives na nasa Israel na, ay kinakailangang magbayad ng deposit na higit-kumulang $3,046 pagdating.
Sumulat naman si Minister of Diaspora Affairs Nachman Shai kay Prime Minister Naftali Bennett, para himukin ito na agad na suspendihin ang deposit requirement.
Aniya . . . “Such a demand at this moment is inhuman and immoral. It automatically restricts the entry of refugees to Israel who do not have relatives and do not have the means to meet this demand. I request that you immediately give instructions to cancel the requirement for these deposits for Ukrainian citizens arriving in Israel.”
Humigit-kumulang 43,000 katao na nakilalang mga Hudyo ang nasa Ukraine at nasa 200,000 katao sa bansa ang eligible na mag-migrate sa Israel sa ilalim ng kanilang Law of Return for Jews at kanilang mga kaanak.
Higit 3,100 katao ang nag-migrate sa Israel mula Ukraine noong 2021 at sinabi ni Interior Minister Ayelet Shaked noong nakaraang linggo, na pinaghahandaan ng Israel ang libu-libo kundi man daang-daang immigrants mula sa Ukraine, Russia at iba pang dating Soviet countries.
Sa ginanap na cabinet meeting nitong Linggo, sinabi ni Shaked na higit 90% ng 2,034 Ukrainian nationals na dumating galing Israel mula nang mag-umpisa ang labanan ay hindi mga Hudyo at ang pagdagsa ng refugees ay hindi dapat magpatuloy.
Aniya . . . “We will reach 15,000 Ukrainians in a month. The State of Israel needs to do more in order to bring Jews and those eligible for the Law of Return. We can’t keep going at this rate, things need to be planned.”
Sinabi ni Bennett na ang gobyerno ay bumubuo ng mga senaryo base sa pagtanggap ng iba’t-ibang dami ng refugees, na ipiprisinta sa gabinete sa huling bahagi ng linggong ito.
Ayon kay Bennett . . . “This is a great challenge for Israel but it is a challenge we have faced before, time and again.”