Totoo Ba Ang Mga Survey?
Mga ka-Isyu, pag-usapan natin ang ukol sa survey. Bakit nga ba may political survey ? Ito ay para alamin o sukatin ang lakas ng mga kandidato para makaupo sa puwesto na kanilang hinahangad.
May mga kilalang survey sa bansa tulad ng SWS (Social Weather station), Pulse Asia, Ibon Foundation at marami pang iba pa na naglitawan ngayon.
Ang kaibahan nga lang ngayon, aktibong aktibo ang social media na nagagamit din para magsagawa ng survey ang isang kandidato o partido para malaman ang kanilang standing sa pangangampanya.
Kung ang political survey ang pag-uusapan , batay sa aking research, ang kilalang survey firm sa Amerika hanggang ngayon ay ang Gallup Survey Firm.
Itinatag ito ng isang statistician na nagngangalang George Gallup noong 1935 . Kilala ang Gallup sa pagkuha ng public opinion sa politika sa Amerika.
Kapag ang Gallup ang nagsurvey , ang kredibilidad ay malapit sa katotohanan at pinagbabatayan ng dalawang partido politikal sa U.S. ,ang Democrats at Republicans.
Dito sa Pilipinas , unang ginamit ang Pulse survey sa politika , November 4, 1961, nang magkaron ng re-election bid si President Carlos P. Garcia, Nacionalista Party, nang nakalaban niya na si Diosdado Macapagal ng partido Liberal.
Alam n’yo ito ang disadvantage ng sistema natin, kumopya na rin lang tayo sa Amerika para sa political model, pero , hindi natin kinopya ang sistema nila na ang boto ng Presidente ay ibibilang din na boto ng Vice President.
Sa Amerika , ginawa nila na hindi puwede na ang mananalong Presidente ay iba ang partido sa mananalong Vice President.
Kaya, kapag ang nahalal na Pangulo sa U.S. ay Democrats, ito din ang partido ng Vice President.
Para matiyak na walang banggaan at may continuity ang party ideology. Hindi ito ginaya o kinopya sa Pilipinas.
Sa panahon nina Pangulong Carlos Garcia at Diosdao Macapagal ay nakita ang banggaan o hindi pagkakasundo .
Hindi binigyan ng posisyon ni Garcia si Macapagal .
Ang sistema dito sa atin,ang Vice President ay spare tire o reserba as defined sa saligang batas.
Ang tungkulin ng Bise Presidente , in case ang Pangulo ay mamatay , mabalda o hindi na kayang magampanan ang tungkulin , maimpeach ang Pangulo , ang Vice President ang papalit.
Maliban na lang kung bibigyanng possiyon ng nakaupong Presidcente bilang miyembro ng gabinete o lilikha ng espesyal na posisyon para sa Vice President gaya nang ginawa ni dating Pangulong Fidel Ramos para kay Vice President Erap Estrada noon.
Lumikha ng komisyon si Ramos para kay Erap ang Presidential Anti Crime Commission o PACC.
Si Noli de Castro na Vice President ni dating Pangulong Gloria Arroyo , ay binigyan din ng posisyon.
Itinalaga noon si de Castro bilang housing czar sa HUDCC.
So, balikan natin ang survey, market of public opinion na ginagamit din para mag-introduce ng mga bagong produkto. .
Speaking of surveys, sabi ng mga ekeperto ng U.P. mula sa Institute of Statistics, isang paraan ng pagkakakitaan ang survey dahil may market.
Ang market ay ang mga pulitiko at ang produkto ay ang public opinion.
Sa ating lipunan may classification, may class A,B ,C, D , E, depende sa pamumuhay .
Ang ginagawa ng survey firm ay kumukuha ng sample, sa lahat ng antas ng pamumuhay at kalimitan ay 1,400 or 1,800 respondents o 2000 samples sa lahat ng antas.
Ang resulta ay depende sa methodology na ginamit.
Mapapansin na sa pag-alagwa ng social media, kanya-kanyang survey na.
Yung mga institutionalized survey firms puwede nilang ipaliwang ang methodology na ginamit.
Ang mahirap ay yaong mga naglitawan na survey o kalye survey.
Hindi ito nabe-verify. Ito ang sinasabi na dapat I-qualify ang survey na isinasagawa .
Kaya ngayon, kung ang mga kandidato ay hindi kayang kumuha ng isang institutionalized survey company dahil malaking gastos, idadaan sa social media.
Kaya dapat isaalang-alang ang integridad ng survey na isinasagawa.
Ingat sa biases, depende sa set of questions na gagamitin sa kung sino ang kumuha o nagbayad sa survey.
Puwedeng ang mga tanong ay leading, ika nga.
Natatandaan ba ninyo na may nag-file ng petisyon sa Supreme Court na kung maaari ay ipagbawal na ang mga political survey dahil ito ay mind conditioning o puwedeng makabuo ng bandwagon mentality.
Kaya ang tanong, ito bang survey ay 100 % na magdadala ng positibong resulta ?